Hunyo 14, 2016

Freaquently Asked Questions


Welcome to FAQ Corner! (Frequently Asked Questions). Dito po ay mababasa nyo ang kadalasang tanong ng isang buyer na katulad mo at dito mo din makikita ang mga sagot sa iyong tanong. Para pag icocontact mo ako konting pag lilinaw o konting klaripikasyon nalang ang kailangan nating pag usapan.

 1.) Anong Ibig sabihin ng RFO at Pre-Selling at ano ang mga Advantage nila?

     - Ang ibig sabihin po ng RFO ay READY FOR OCCUPANCY, meaning ang property po ay NAKATAYO na at HANDA ng LIPATAN. Kung ikaw ay nag mamadali lumipat, Eto ang Suggestion ko na kunin mo. Kailangan mo lamang tapusin agad ang DOWNPAYMENT para mas mabilis ka makalipat.
     - Ang PRE-SELLING naman po ay ang mga property na hindi pa nakatayo o GINAGAWA palang. Kung ikaw ay hndi naman nag mamadali lumipat at gusto mong mag INVEST, Eto ang Suggestion ko para sayo. Kung gusto mo ng MAS MURA at MAS MATAGAL na payment term, Eto ang bagay sayo!

 2.) Kailan ko ba dapat gamitin ang PAG-IBIG ko? Tutal member naman ako nito at ano naman ang diperensya nto sa BANK FINANCING? at ano ba yang IN-HOUSE Financing na yan?

     - Eto ang payo ko sayo, gamitin mo ang PAG-IBIG mo, kung ang halaga ng LOANABLE amount ng property mo ay 1.5M pababa. Kung mas mataas naman sa 1.5M ang LOANABLE Amount ng property mo, I suggest mag Bank FInancing ka nalang. 

     - Wala naman halos Diperensya ang BANK at PAG-IBIG Financing maliban lang sa YEARS to PAY na tinatawag. For Bank Financing, Maximum years to pay ay 20 years, ang PAG-IBIG financing naman ay 30 years to pay. Kung tutuusin nga, talo ka pa pag ng PAG-IBIG Financing ka. Una, mas mataas ang magiging interest nto sa Bank. Sa Tagal mo ba namang mag babayad, syempre susunod si interest. Pangalawa, Mas Matagal ka mag babayad, sa Bank 20 years ang Minimum, sa PAG-IBIG 30 years, Sampung TAON din ang Diperensya!

     - Ang INHOUSE Financing naman po ay ang pag LOAN sa mismong DEVELOPER. Kung sa Bank Financing, sa BANGKO ka UUTANG at sa PAG-IBIG naman ay sa Gobyerno, sa INHOUSE, sa Developer. Ang Advantage ng Inhouse Financing ay eto, Una.. 15 years to pay lang ang pinakamatagal. Mas Madali kang matatapos bayaran ang property. Pangalawa, COMPLICATED Status ka ba? (Hiwalay, May Problema sa bank, May housing loan na etc), INHOUSE Financing ang Sagot. Pero eto ang Catch sa Inhouse Financing, MATAAS ANG INTEREST. Nag lalaro ang Interest Rate ng inhouse mula 10%-22% depende sa Developer! Kaya kung kaya mo namang mag bayad ng malaki at COMPLICATED Status ka, mag INHOUSE Financing ka.

3.) Kailan ba ako MAKAKALIPAT? Pag Tapos ko na ba ang DOWNPAYMENT, pwede na ako makalipat?

    - Kung ikaw ay under BANK at PAG-IBIG financing, hindi ka pa pwede makalipat kahit tapos mo na ang downpayment. Bakit? Kasi kailangan mo muna hintayin ang LOAN TAKEOUT (Meaning, yung inutang mo kay BANK o kay PAG-IBIG, kailangan mo muna hintayin marelease). Kahit tapos mo na ang downpayment, d ka padin makakalipat hangga't d ka pa na LOLOAN TAKEOUT.

   - Pag Inhouse Financing naman, kapag tapos mo na ang DOWNPAYMENT, pwede ka na makalipat within 1-4 months. Basta KUMPLETO ka na sa mga REQUIREMENTS o DOCUMENTS.

4.) Paano mapapabilis ang aking LOAN TAKEOUT?
   - Ipasa mo agad ang DOCUMENTS mo, ganun lang kasimple. Maraming clients ang nag rereklamo dahil bayad nadaw sila at d pa sila nakakalipat. Isa ito sa mga dahilan kung bakit, hindi purkit bayad ka na, makakalipat ka na agad. Pasa Pasa din ng Documents pag may time :)

5.) Gaano ba Kabilis yang Loan Takeout na yan?
    - Ang loan takeout po ay narerelease within 3-6 months DEPENDE padin syempre sa Record mo. Kung ikaw naman ay walang bad record (meaning, wala kang utang sa bank, Credit Card Problem wala kang housing loan sa PAG-IBIG o Criminal Record) mas mabilis ang release ng Loan Takeout mo.

6.) Kailan ba ang release ng Loan? 
   - After ng Downpayment, Aayusin palang yung requirements mo, So ang technique dyan para mas mabilis kang makalipat lalo na pag RFO ang kinnuha mo, kung kayang tapusin si Downpayment, tapusin agad.

7.) Ano ang PDC at ano ang ADVANTAGE nto?
  - Ang ibig sabihin ng PDC ay POST DATED CHECKS. Maraming akong buyers na pag nakita itong salitang ito, natatakot sila, pero ipapaliwanag ko sayo kung bakit hindi ka dapat matakot dito. Kailangan mo kasi ito sa PAG BAYAD ng DOWNPAYMENT at MONTHLY AMORTIZATION. Imbis na ma HASSLE ka sa pag punta sa PAG-IBIG o sa Office ng DEVELOPER kada Buwan, mag open ka ng PDC, mag ISSUE ka at iiwan ang CHEKE sa opisina ng Developer, lagyan lamang ng BALANSE ang iyong ATM at kusa na itong mag babayad. Diba? anong nakakatakot dyan? Nakasave ka pa ng ORAS na imbis nag tatrabaho ka at ng EENJOY, eh PIPILA ka pa at mag LELEAVE para lang pumunta sa PAG-IBIG, Banko o Opisina ng Developer.


Salamat sa Oras mo at binasa mo ito hanggang DULO! Para din naman ito sayo!


Contact me for Closing/Site Tripping
Baron Brylle A. Mercado
0917-309-9178(VIBER)





     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento